top of page

SÜ LI-Travels

  • Aug 11, 2017
  • 2 min read

Hanggang sine at k-drama na lang ba ang pangarap mong makarating ng Venice at Korea?

‘Wag mag-alalaa dahil alam namin kung saan mo puedeng isakatuparan ang pangarap mo. NO PASSPORT OR VISA NEEDED! Hindi scam ‘to mga ka-SÜ LIT! Kaya tara, lipad na!

ANNYEONGHASEYO, TOUCHDOWN KOREA!

Kering-keri na ang Korean feels sa isang shrine na malapit lang sa Maynila.

Welcome to St. Andrew Kim Tae-Gon Shrine in Lolomboy, Bulacan! Si St. Andrew ang pinakaunang Korean priest at minsang nanirahan siya sa Lolomboy, kaya naman siya ang ginawang patron saint ng barriong ito.

Pinamamahalaan ng mga Korean nuns ang shrine na ito para sa kanilang debosyon kay St. Andrew. Tandaan lang na isa itong sacred na lugar kaya iwasan ang mag-ingay, manggulo at magkalat.

Libre ang mag pictorial basta’t magpaalam sa mga madre at panatilihin ang pagkasolemne ng lugar.

Dumaan na rin sa loob ng mga temple at mag-alay ng dasal. Malay mo mahanap mo na ang oppa mo!

OPENING HOURS

10:00 AM – 12:00 NN

2:00 PM – 4:00 PM

HOW TO GET THERE

FROM SM NORTH EDSA:

  • Sumakay sa UV Express na papuntang SM Marilao at kaibiganin ang driver. Huling stop naman ang SM pero wag mahihiyang magtanong.

  • Maglakad papunta ng hi-way at sumakay sa jeep na byaheng Bocaue, Balagtas, Malolos, Sta. Maria.

  • Kaibiganin ulit ang driver at magpababa sa McDonald’s Lolomboy.

  • Sa may gilid ng McDo, maraming tricycle ang naghihintay sa’yo. Sabihin mo lang “Sa Korea po.” O diba, feel na feel talaga!

FROM MONUMENTO:

  • Hanapin ang terminal ng bus papuntang Bulacan. Wag ulit mahihiyang magtanong, alam nila yan!

  • Sumakay sa RJ bus na biyaheng Balagtas. (Mag-ingat dahil yung isang bus ay papuntang Arayat!)

  • Maging alerto at sabihin sa konduktor na bababa ka sa Bocaue Crossing. Malalaman mong nandoon ka kapagka nakita mo ang magkatapat na 7-eleven at TAPSI.

  • Tumawid papuntang Dunkin’ Donuts at pumara ng jeep. (Biyaheng Marilao, Meycauayan, Malinta, Monumento).

  • Pumara sa McDonald’s Lolomboy, at sumakay sa tricycle.

Viva l'Italia!

I-treat si babez o si mhine coh sa isang romantic trip to Venice… este McKinley, Taguig!

Sa Venice Grand Canal Mall talagang makikita ang kagandahan ng Venice dahil sa disenyo ng mall na pinares sa Italy.

Para sa full experience, sumakay sa Gondola Ride sa halagang P350. Perfect para sa date night nyo ni labs!

Magpicture-picture sa lugar, lalo na sa gabi dahil dito binubuksan ang mga naggagandahang ilaw. Humanap lang ng magandang angle, at mapapaniwala mo na ang mga facebook friends mo na lumipad ka papuntang Italya.

Pasalubong ko, ha!

Panuorin ang aming video sa Korea at Venice! ;)


 
 
 

Comments


©2017 BY SÜ LIT

bottom of page