RESTAURANTS NA #FEEDGOALS
- Aug 7, 2017
- 2 min read
Gusto niyo bang kumain at mag post sa Instagram? Wag na kayong umalis dahil nandito kami para tulungan kayong ma-achieve ang #FeedGoals ninyo.
Nauuso na ang mga themed restaurants na sikat sa kanilang pagiging IG-worthy dahil sa mga magandang disenyo at nakakatakam na pagkain.
Kaya naman, nandito ang inyong mga ka-SÜ LIT para bisitahin ang dalawa sa mga sikat na restaurants at alamin kung SÜ LIT nga ba itong puntahan!
Unang una sa listahan, ang Big Boy’s Diner!

Sa mga Riverdale fans, ito na ang lugar para madama sina Archie, Veronica, Betty, at Juggie. Maliit lamang ang lugar at seating area kaya mahaba ang pila. Kung gusto niyong makaupo sa couch, kailangan ng extra waiting time dahil nirereserba ang ito para sa malalaking grup6. Mga 6 PM pa sila nagbubukas ng mga neon lights, kaya wag mainip kung gusto niyo ng magagandang pictures!
Sa pagkain naman, hit at miss. Masarap ang kanilang nachos at shakes! Ang ibang pagkain naman, kayang kaya nating lutuin sa bahay para makatipid. Ang mga presyo ng pagkain ay nasa 150 pesos pataas.


Kung gusto niyong bisitahin ang Big Boy’s Diner, pumunta lamang sa 128 Sto. Domingo Ave, Siennz, Quezon City, 1114 Metro Manila.
Sa mga gusto namang makatapak sa mundo ng mga unicorns, ang Unicorn Dreamy Café ang para sayo!

Ang 3-floors na restaurant na ito ay punong-puno ng mga makukulay at cute na disenyo. Kung hilig mo ang mga pastel colors, ito na ang lugar na para sa'yo!
Sa pagkain, makikita pa rin ang tema ng lugar dahil sa mga cute na dekorasyon. Simple lang ang lasa pero Instragram worthy talaga ito, lalo na ang mga shakes!


Kung gusto mo namang makapagsuot ng unicorn onesie, kailangan umabot ng minimum of 250 pesos ang order(s) mo.
Tip: Kung gipit, maghiraman na lang ng onesie para sa photo op.
Address: Feliza Bldg, 110a MacArthur Highway, Sumapang Matanda, Malolos, 3000 Bulacan

Talaga nga namang magandang puntahan ang mga restaurants na ito para ma-achieve ang inyong #FeedGoals. May kamahalan nga lang sa pagkain ngunit mapapabili ka talaga kung gusto mo ng full experience. Hindi man gaanong sulit sa bulsa, sulit naman sa mga litratong makukuha!







Comments