top of page

SÜ LIT-ERATURE SA ABOT KAYANG MGA LIBRO!

  • Aug 9, 2017
  • 2 min read

Mahilig ka bang magbasa ng mga libro? Anong klase ng storya ang mga hilig mo? Fiction ba, non-fiction, or educational?

Talaga nga namang masarap pa ring humawak ng libro at magbasa. Lalo na pag bago, diba? Sarap amuyin ng bagong bukas na libro. Yung feeling na ayaw na ayaw mong malulukot, o hawakan ng iba. Ip-plastic cover mo pa nang sobrang ayos. Tapos pag magbabasa ka na, dahan-dahan lang yung bukas mo, halos wala ka nang makita.

Syempre may mga tao rin na may mga bookshelves sa bahay na ang gandang tignan pag puno at maayos. Yung mga taong buhay talaga nila ang pagbabasa.

Ngunit sa panahon ngayon, sino nga ba ang may P350 pesos para sa libro? Minsan P700 kasi gusto natin hardbound pa para sosyal. Kaya nga nandito ang SÜ LIT para tulungan kayong makahanap ng mga abot kayang libro na talagang papatok sainyong mga mahilig magbasa!

Kung ang damit may ukay-ukay, hindi magpapahuli ang mga libro.

BOOKAY UKAY

Maginhawa St., Quezon City

Small but terrible ang book store na ito. Kahit saan ka tumingin, may libro! Kaya imposible na wala kang iuuwi! Hindi ka mauubusan ng options, kasi halos araw-araw may mga nagbebenta ng mga libro nila.

Bagay na bagay din ang store na ito sa mga book lovers natin diyan na mahilig din kumain (SAME). Napapaligiran ang Bookay ukay ng mga kainan,katulad na lamang ng mga nauusong food parks.

For P10, kayang-kaya mo nang magpakitang gilas kay crush sa joke book na ito!!!

For Bright People Only

Ayon sa Team SÜ LIT, maraming magagandang choices na libro dito, ngunit medyo lagpas sa SÜ LIT meter. Pero kung may konting naipon ka pa, why not diba???

BOOKS FOR LESS

Starmall, Alabang

Syempre, hindi namin iiwan ang mga ka-SÜ LIT natin sa South! Matatagpuan sa Starmall sa Alabang, ang Books for Less ay talaga nga namang books for less.

Napansin din ng Team SÜ LIT na may mas maraming magagandang choices dito na pasok sa budget!!! Kaya GO na!

For only P30 each, nahanapan namin ng bagong bahay ang 3 librong ito!!!

Home Town by Racy Kidder

Staying Afloat by Jeri Callahan

Lovely Bones by Alice Sebold

Share mo naman sa amin kung anong favorite mong libro! Love story ba yan? Comment mo sa video namin para basahin din ng Team SÜ LIT (malay mo maiyak kami).

Kita-kits tayo sa susunod! Dito lang yan sa SÜ LIT


 
 
 

Comments


©2017 BY SÜ LIT

bottom of page