top of page

SÜ L-EAT: Easy Milo Cake

  • Aug 5, 2017
  • 2 min read

Taas ang kamay sa mga ka-SÜ LIT namin na mahilig papakin ang Milo!!! Well hindi na lang simpleng timpla ng Milo ang pwede niyong gawin, dahil nandito ang SÜ LIT para lagyan natin ng extra ang inyong mga merienda!

So ano nga ba ang mga kakailanganin mo sa recipe na ito?

1. Bowl na pwedeng ipasok sa inyong mga microwave

2. MILO (uhm, ano pa ba?)

3. 3 na kutsarang asukal

4. 4 na kutsarang harina

5. 4 na kutsarang mantika

6. 1 itlog

7. 4 na kutsarang gatas

Okay sabi nga ni Tita Korina Sanchez, HANDA NA BA KAYO?

Let's go at lutuin na ito dahil #gutom na ako.

Ilagay mo na ang main ingredient natin, ang bida ng merienda, MILO!

Syempre, pwede pang patamisin ang matamis na (katulad lang naman ng pag-ibig ko kay crush). Kaya ilagay mo na ang asukal!

Kung tayo may paa para tumayo, syempre ito rin dapat meron! Pwede mo nang ilagay ang harina!

Lagyan mo na rin ng oil! Minsan ayaw natin ng clingy--- I mean ayaw natin na dumikit yung Milo cake natin sa bowl.

Lagyan pa natin ng isang itlog para mas lalong mag rise ang cake natin!

OKAY NGAYON NA ANG ORAS PARA HALUIN ANG ATING MIXTURE.

Pag nahihirapan ka na, *iyak* pwede mo na ilagay yung gatas.

Oh diba, mas naging madali?

READY NA ITO IPASOK SA MICROWAVE!!! 5 MINUTES LANG HA!

Hintayin mo na, wag ka sanang magsawa sa paghihintay. Please?

Dahil feeling extra tayo sa cake natin, dagdagan pa natin ng Milo para lasang-lasa natin ang chocolatey goodness!

TANDAAN: Hindi kasalanan ang maraming pagkain ng chocolate.

Kung ayaw niyo namang magpatalo, patungan niyo pa ng ice cream para mapa WOWOWEE ka sa sarap.

AYAN! Tapos na ang ating Milo cake!

Ano? Masarap ba? Tell us what you think sa Facebook video namin! Share mo rin sa friends mo ha!

Marami pa kaming nakahanda para sainyo, kaya tutok lang kayo!


 
 
 

Comments


©2017 BY SÜ LIT

bottom of page